
Ang SEVENTEEN (Korean: 세븐틴), o kilala rin bilang SVT, ay isang boy group mula sa Timog Korea (South Korea) na nabuo sa ilalim ng Pledis Entertainment noong 2015. Ang grupong ito ay binubuo ng 13 na mga miyembro na nahahati pa sa tatlong grupo o unit base sa kanilang mga ispesyalisasyon: ang Hiphop Team, Vocal Team at Performance Team.
Tinagurian rin ang Seventeen na “self-producing” idol group dahil sa aktibong partisipasyon ng mga miyembro sa pagbuo ng kanta at sa iba pang aspeto ng grupo.
MGA PANGUNAHING IMPORMASYON
Carat (캐럿) ang opisyal na tawag sa mga tagahanga ng SEVENTEEN
Noong Pebrero 5 hanggang 12 ng taong 2016 ay nagkaroon ng poll sa opisyal na website ng SEVENTEEN, kung saan maaari silang makaboto ng napupusuan nilang fandom name. Ang anim na pagpipilian ay TINKER BELL, TINVELY, WISH, SAME, WENNIE, at CARAT.
Noong Pebrero 14, 2016 sa sariling concert ng SEVENTEEN na 'LIKE SEVENTEEN - Boys Wish', inanunsyo ang opisyal na pangalan ng mga tagahanga nila, na sumunod sa kanilang performances ng "Rock," "NO F.U.N" at "Mansae." Pagkatapos ng performance ay sinabi ng kanilang lider na si S.Coups, “Mayroon kaming iaanunsyo. Palagi ninyo kaming pinapaliliwanag ng sobra. Kayo na ngayon ang aming mga CARAT.”
OPISYAL NA KULAY
Ang opisyal na debut ng SEVENTEEN ay noong May 26 ng taong 2015 sa pamamagitan ng isang live showcase, kaya naman noong October 6 ng taong 2016 ang kanilang naging ika-500 na araw.
Noong sumapit ang hatinggabi (KST) ng ika-6 ng Oktubre 2016, idineklara ng Pledis Entertainment sa Twitter ang opisyal na kulay ng grupo na “Rose Quartz” and “Serenity”. Ang nilagay nilang caption ay “SEVENTEEN’s fan club Carat’s official colur has been announced. We ask for CARAT’s support and love.”

Opisyal na Light Stick
Unang Bersyon
Noong ika-3 ng Pebrero 2017, inilabas ng SEVENTEEN ang larawan ng kanilang opisyal na light stick sa kanilang opisyal na account sa Twitter. Nakasaad dito na ito ay mayroong tinatawag na bluetooth capabilities. Ang light stick na ito ay isang napakagandang upgrade ng mga nakaraang light sticks, at may pink na diamond sa loob ng isang transparent at spherical na ibabaw.

Ikalawang Bersyon
Noong ika-29 ng Hulyo, taong 2019 ay inilabas ng SEVENTEEN ang disenyo ng ikalawang bersyon ng kanilang light stick
