
Nag-debut ang Seventeen noong ika-26 ng Mayo 2015 sa isang live showcase na ipinalabas ng MBC. sila ang
kauna-unahang lalaking K-pop group na nagkaroon ng debut na may isang oras na live showcase sa isang major
broacasting channel. Tatlong araw matapos nito ay nailabas na ang kanilang unang album (digital) na “17 Carat” sa
publiko.
Ang “17 Carat” ay naging longest-charting K-pop album ng taon sa US at ang natatanging rookie album na napasama
sa “10 Best K-pop Albums of 2015” chart ng Billboard.
Noong Setyembre 10, 2015 ay nilabas ang kanilang pangalawang album na “Boys Be”, na kalaunan ay naging
highest-selling rookie album ng 2015. Ang tagumpay ng album ang nagbigay sa grupo ng mga parangal sa Golden Disk
Awards, Seoul Music Awards, at sa Gaon Chart K-Pop Awards. Ang Seventeen din natatanging K-pop group sa "21
Under 21 2015 : Music';s Hottest Young Stars"list ng Billboard.
Nagkaroon ang Seventeen ng concert na pinamagatang 2015 Like Seventeen – Boys Wish na sa loob ng 4 na araw mula
ika-24 hanggang ika-26 ng Disyembre 2015 sa Seoul bilang selebrasyon sa pagtatapos ng taon. Matapos ang tagumpay
ng concert, nagkaroon pa sila ng dalawa pang kaugnay na concerts noong sumunod na Pebrero 2016 at pinamagatang
Like Seventeen – Boys Wish Encore Concert.