
Inanunsyo ng Pledis Entertainment noong mga unang buwan ng taong 2013 na sila ay maglalabas ng isang grupo na tatawaging Seventeen. Noong mga panahong iyon ay sinabing ang grupo ay may 17 na miyembro na mahahati sa 3 sub-units na magkakaroon ng promotion sa Korea, China, at Japan.
Noong Disyembre, napagdesisyunan ng Pledis na gumawa ng pre-debut show, ang SEVENTEEN TV, para makaipon ng mga tagahanga bago ang kanilang debut, ngunit sa palabas ring ito ay nilitis ng mga manonood ang mga kakayahan ng mga miyembro.Noong January ay ipinaliwanag ng Pledis na ang mga nasa 17TV ay hindi pa ang mga opisyal na miyembro at hinahasa pa para makapasok sa grupo. Sinabi nila na ang pangunahing rason sa pagpapalabas ng SEVENTEEN TV ay para makita ng Pledis kung sino sa mga trainees ang kinagigiliwan ng mga manonood at sila ang mga bubuo ng SEVENTEEN. Sa panahong ito, hindi pa sinasabi ng mga trainees ang kanilang mga tunay na pangalan at gumagamit lamang sila ng mga
alyas:Mr. Wristband, Mr. Mic, Mr. Hat, Mr. Orange Sneakers, Mr. Blue Earmuffs,Mr. White Earmuffs, Mr. Dumbbell, Mr. Beanie, Mr.Backpack, Mr. Headphones and Mr. Teeny’s Dad.
Miyembro- Palayaw
Mingyu - Mr. Wristband
Jun - Mr. Blue Earmuffs
Seungkwan - Mrs. Mic
Woozi - Mr. Flurorecent Colored Sneakers
Wonwoo - Mr. Beanie
Hoshi - Mr. Dumbbell
Vernon - Mr. Headphone
Dino - Mr. Backpack
DK - Mr. Hat
MingMing - Mr. White Earmuffs
Samuel - Mr. Teeny's Dad

Ang SEVENTEEN TV ay ipinalabas sa Ustream isa hanggang tatlong beses kada
linggo at ang bawat “season” ay maroong nasa 15 na episodes na nagtatapos sa
LIKE SEVENTEEN concert. Habang nanonood ay maaari mong mabago ang
camera kahit kailan mo gustuhin (maliban na lang kung ito ay sira, na madalas
mangyari). Bawat linggo ay bumoboto ang mga manonood ng “MVP” na
magiging daan upang malaman nila ang kaniyang buong profile. Halimbawa,
kung maiboto si Mr. Hat bilang MVP ng linggong iyon, ilalabas ang kaniyang
buong profile. Pagkatapos ng unang season, ang profile ng mga miyembro na
hindi naiboto bilang MVP ay inilabas rin. Sa pagtatapos ng season 2 ay
nagkaroon ng mga self cams at special episodes (tulad ng Christmas Episode).
Sa Season 4 at 5, nagkaroon ng mga concerts na tinawag na “Like Seventeen”.